Connect with us

Aklan News

BINATANG NAGLASLAS SA BOARDING HOUSE NG EX-GF, INEREKLAMO NG PANANAKIT AT PANG-IISKANDALO

Published

on

Kalibo – Inireklamo ng pananakit at pang-iiskandalo ang isang binatang naglaslas kaninang madaling araw sa boarding house ng kanyang ex-gf sa Purok 5, C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Bagama’t nauwi sa areglo, nabatid na lasing ang 21 na binata nang mag-eskandalo ito tinutuluyan ng 19 anyos na  ex-gf.

Ayon sa dalaga, sinuntok at sinabunutan umano siya ng binata na nangangamoy alak pa nang magkaharap sila sa Kalibo PNP Station

Aminado siya sa kanyang paglaslas sa kanyang kaliwang braso, dahil marami umano siyang problema.

Samantala, nabatid na noong high school pa naging magkasintahan ang dalawa, subalit 2 buwan nang nagbreak dahil na rin umano sa desisyon ng binata matapos matuklasang may ‘iba pang lalaki’ ang kanyang ‘ex’.

Nagbabala naman ang dalaga na kakasuhan niya ang binata kapag inulit pa niya ang panggugulo at pananakit sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *