Connect with us

Aklan News

BAKASYUNISTA SA BORACAY NAKURYENTE HABANG NALILIGO, PATAY

Published

on

Malay, Aklan – Patay ang isang 29 anyos na bakasyunista matapos makuryente habang naliligo sa tinutuluyang Inn sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Merie Joy Bravo Racca ng Valencia St., Sampaloc, Manila at pansamantalang nanuluyan kasama ang kanyang pamilya sa MN Boracay Lodge Inn.

Lumalabas sa imbestigasyon na kakatapos lang nilang mag island hopping dakong alas-3:20 kahapon nang bumalik sa kanilang tinutuluyan para maligo.

Una di umanong pinaliguan ng biktima ang kanyang pamangkin bago tumawag ng housekeeper para buksan ang heater ng shower.

Ilang minuto lang matapos buksan ang water heater machine ay nakarinig ang ina ng biktima na si Mercedes Racca na sumigaw ito ng aray.

Sinubukan ni Mercedes na buksan ang pinto subalit naka-lock kaya’t muli nilang tinawag ang housekeeper.

Bumungad sa kanila ang nakahandusay na katawan ng biktima na puno ng paso sa katawan.

Sinubukan pa nila itong isalba at dalhin sa ospital ngunit matapos ang isang oras na pag-revive ay idineklara na itong patay dahil sa electrocution.

Pahayag ng housekeeper na si Sonny Boy Tamayo, nakaramdam siya ng electric ground nang subukan niyang patayin ang shower.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *