Connect with us

Aklan News

ISRAELI NATIONAL PINAKITAAN NG ARI HABANG NAGYOYOGA SA BORACAY

Published

on

Boracay Island – Nagimbal ang isang 23 anyos na Isaraeli National matapos siyang pakitaan ng ari ng isang lalaki sa kasagsagan ng kanyang pag yoyoga sa isla ng Boracay.

Nakilala ang suspek na si Michael Jhun Carbajosa, 22, tubong Brgy. Botongon, Estancia, Iloilo at pansamantalang nakatira sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay.

Nangyari ang insidente dakong alas-10 ng umaga kahapon habang nagyoyoga ang biktima sa may Green Yard Kite Surfing School.

Kwento ng biktima, sinundan siya ng suspek at tinanong ng mga personal na bagay habang naglalakad sa baybayin.

Kalaunan ay nagpumilit umano itong sumali sa kanyang yoga exercise.

Tumanggi ang biktima dahil gusto nitong mapag-isa subalit hindi umano umalis ang suspek at pinanood siya.

Dahil dito ay hindi naging kumportable ang biktima at kinausap ang suspek na umalis sa lugar subalit nagulat ito nang maghubad ito sa kanyang harapan at lantarang inilabas ang kanyang ari.

Sumigaw ng tulong ang biktima habang tumakbo naman ang suspek na kalaunan ay nahuli rin ng mga taong nandoon rin sa lugar.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Grave Scandal.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *