Connect with us

Aklan News

2 SACHET NG HINIHINALANG SHABU NA NAKITA SA VAN, DINALA SA KALIBO PNP STATION

Published

on

Dinala sa Kalibo PNP Station ang 2 sachet ng hinihinalang shabu na nakita sa loob ng pampasaherong van alas 11:25 kahapon ng tanghali.

Base sa report ng Kalibo PNP, nakita ng mismong may-ari ng pampasaherong van na si retired Police Executive Master Sergeant Tranquilino Salazar Jr., ang dalawang sachet ng suspected shabu sa likurang bahagi ng van habang naglilinis siya doon.

Kaagad umano niyang ipinag-utos sa kanyang dispatcher na si Benjie Dela Cruz na dalhin ang mga ito sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, dadalhin ngayong araw sa crime laboratory sa Iloilo ang mga nasabing droga upang isailalim sa pagsusuri.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *