Connect with us

Aklan News

Php70K, mga gadgets natangay sa isang bahay sa Tapaz, Capiz

Published

on

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng kapulisan ang panloloob sa isang bahay sa Brgy. Bagong Barrio, Tapaz, Capiz.

Napag-alaman na natangay ng suspek ang nasa Php70,000 na halaga ng pera, dalawang cellphone at isang laptop.

Ang bahay, mga ninakaw na pera at mga gadget ay pagmamay-ari ni Victor Ganzon, 57-anyos, at ng kanyang pamilya.

Ang itinuturong suspek ay isang Reyvan Cerelos, 27-anyos ng Zarraga, Iloilo.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, dumaan ang suspek sa butas na nilalagyan ng aircon papasok sa kuwarto ng nagrereklamo.

Nang makapasok ay agad nitong kinuha ang pera at mga gadget.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *