Connect with us

Aklan News

MOTOR SINALPOK NG VAN AT PICK UP, 1 PATAY, 1 SUGATAN

Published

on

Photo| Mar John M Magarso

Banga, Aklan – Isa ang patay habang isa pa ang sugatan matapos masalpok ng van at ma hit and run ng isang pick-up ang isang motorsiklo pasado alas-8 kagabi sa kahabaan ng highway ng Linabuan Sur, Banga.

Binawian ng buhay ang biktimang si Reynald Rogar, 28 anyos ng Brgy. Tigayon, Kalibo at sugatan naman ang kanyang angkas na si Francis Jude Octoso Jr., 15 anyos ng Tabaao, Banga.

Nabatid na binabagtas ng parehong sasakyan ang direksyon pa Kalibo ng masalpok ng Van na minamaneho ni Reynaldo Bengan, 47 anyos ng Brgy. Sambag Jaro, Iloilo ang motor na sinasakyan ng mga biktima.

Dahil dito ay tumilapon si Octoso habang si Rogar naman ay na hit and run ng kasunod na pick up na ikinamatay nito.

Ayon kay PSSgt. Randy De Pablo ng Banga PNP, nasa kustodiya na ngayon ng Banga PNP ang driver ng Van.

Samantala, nanawagan si De Pablo sa tumakas na driver ng pick up na kusa nang sumuko sa Banga PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *