Connect with us

Aklan News

Lalaki tinaga ng kainuman sa Dumalag, Capiz; isa pa sugatan matapos mag-awat

Published

on

Sugatan ang isang 40-anyos na lalaki matapos tagain ng kainuman sa Brgy. San Miguel, Dumalag, Capiz hating gabi ng Linggo.

Kinilala sa ulat ng Dumalag PNP ang biktima na si Marlon Frio, 40-anyos, isang driver at residente ng Brgy. Duran sa nasabing bayan.

Kinilala naman ang suspek na si Noel Paguna, 56, residente ng nasabing bayan.

Batay sa paunang ulat ng kapulisan, nag-iinuman ang dalawa nang magkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Umuwi ang suspek sa kanilang bahay at ilang sandali lang ay bumalik ito na may bitbit na itak at pinagtataga ang biktima sa kanyang ulo.

Sugatan rin si Isidro Castañeda matapos awatin ang dalawa. Nagtamo siya ng sugat ng taga sa kaliwang kamay.

Mabilis na isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Dumalag Response Team ang biktima sa Tapaz District Hospital para sa paggamot.

Naaresto naman ng kapulisan sa pagresponde ang suspek. Nasabat sa kanya ang itak na ginamit sa krimen.

Nasa pangangalaga ngayon ng Dumalag PNP ang suspek para sa kaukulang disposiyon. Posible siyang maharap sa kaukulang kaso.

(KaTodo Butchoy Gardose / KaTodoDarwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *