Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos tamaan ng nakalas na steel platform ng truck sa Panitan, Capiz

Published

on

Patay ang isang lalaki sa Brgy. Salocon, Panitan, Capiz matapos tamaan ng nakalas na steel platform ng isang utility truck Sabado ng hapon.

Kinilala sa ulat ng Panitan PNP ang biktima na si Ernie Lopez, 50-anyos, laborer, residente ng naturang lugar.

Kinilala naman ang suspek na si Rachelio Bucio, 47, residente ng Caloocan City, driver ng truck ng Excellence Poultry Live Stock Specialist.

Batay sa ulat ng kapulisan, galing umano ng Galleria de Panitan ang truck nang maganap ang insidente sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Salocon.

Ayon sa nakasaksi na si Atty. Remia Bartolome, nakita niya na ang steel platform ng sasakyan na nakalas at tumama sa ulo ng  biktima.

Agad isinugod ng mga rescuers sa Capiz Doctor’s Hospital ang biktima pero ayon sa doktor hindi na ito umabot ng buhay.

Sumuko naman sa kapulisan ang driver.

Pansamantalang ikinustodiya ng Panitan Police Station ang suspek pati na ang truck para sa kaukulang disposisyon.

(KaTodo Butchoy Gardose / KaTodo Darwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *