Connect with us

Aklan News

Laborer arestado matapos makuhanan ng baril sa sayawan sa Sigma, Capiz

Published

on

Arestado ang isang laborer sa Brgy. Cogon, Sigma, Capiz matapos makuhanan ng baril sa sayawan ng barangay gabi ng Sabado.

Kinilala sa ulat ng Sigma PNP ang suspek na si Nilo Decain, residente ng Brgy. Capagao, Panitan, Capiz.

Ayon sa ulat ng kapulisan, nakita umano ng tanod na si Ginel Cagay ang suspek na may baril sa kanyang bulsa dahilan para arestuhin niya ito.

Nasabat sa suspek ang isang .38 cal. na may tatlong live ammunition sa loob ng cylender.

Ang armas at ang suspek ay agad itinurn-over ng tanod sa disposisyon ng Sigma PNP.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Firearm and Ammunition Law ang suspek.

(KaTodo Butchoy Gardose / KaTodoDarwin Tapayan)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *