Connect with us

Aklan News

Dahil hindi nakabayad ng utang, tricycle driver sugatan matapos pagbabarilin

Published

on

Sugatan ang isang tricycle driver sa Roxas City, Capiz matapos siyang pagbabarilin ng pinag-utangan niya umaga ng Lunes sa Magallanes St sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Benjie Diestro, 33-anyos, ng Brgy. Concencia, Panitan. Nagtamo ito ng mga sugat sa paa at braso.

Batay sa paunang imbestigasyon, may utang ang biktima kay alyas Alog Agus ng Brgy. Mongpong, Roxas City noon pang 2017 at hindi pa nababayaran.

Mabilis na isinugod sa isang pribadong ospital sa Roxas City ang biktima habang pinaghahanap pa ngayon ng mga otoridad ang tumakas na suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *