Connect with us

Aklan News

42-anyos na lalaki arestado matapos magwala, manaksak sa Dumalag Plaza

Published

on

Arestado ang isang 42-anyos na lalaki matapos magwala at manaksak sa Dumalag Public Plaza sa Dumalag, Capiz Linggo ng gabi.

Kinilala sa ulat ng Dumalag PNP ang suspek na si Johnny Cayanan, tambay, residente ng Brgy. Sto. Niño sa nasabing bayan.

Kinilala naman ang biktima na si Reynaldo Fagandoy, 60, residente ng Brgy. Dolores, Dumalag.

Batay sa kapulisan, sinibukan umano ng biktima na pakalmahin ang suspek sa pagwawala na nabatid nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.

Subalit bumunot ito ng kutsilyo at sinaksak umano ang biktima nang makatlong beses. Maswerteng nakailag ito at nakahingi ng tulong sa mga tanod ng barangay.

Nasabat sa suspek ang isang kutsilyo na may habang nasa siyam pulgada at ang kaluban nito.

Dinala sa himpilan ng Dumalag PNP ang suspek para sa kaukulang disposisyon at posibleng maharap sa kasong attempted murder.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *