Connect with us

Aklan News

SALPUKAN NG BUS AT MOTOR, 2 PATAY

Published

on

Photo credit to the Owner

Dead on the spot ang dalawang lalaki nang magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo at ang isang coaster o mini-bus sa Brgy. Tamalagon, Tangalan, Aklan, dakong ala-una kaninang hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Napthaly Tumaca Masula, 40 anyos at isang construction worker na residente ng Dumatad Tangalan, Aklan. Siya ang nagmamaneho ng motor noong maganap ang aksidente. Ang angkas naman niya ay kinilalang si Tranquilino Cantillero Esperidion, ng Bakhaw Sur Kalibo, Aklan.

Binabagtas ng motorsiklo ang kahabaan ng kalsada patungong Kalibo nang makasalpukan nito ang isang Southwest coaster na minamaneho ni Porferio Cantillero Augustin Jr. ng Brgy. Odyong, Altavas, Aklan.

Patuloy naman ang pag-iimbestiga sa insidente kung saan kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng coaster.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *