Connect with us

Aklan News

Punong barangay ng inireklamo dahil sa pagtanggi magbigay ng Barangay Clearance

Published

on

Inireklamo sa Roxas City PNP ang Punong Barangay ng Culajao matapos tumanggi umanong magbigay ng clearance para sa koneksiyon sa kuryente.

Kinilala ang nagreklamo na si Pedro Fernandez,  32-anyos, isang masahista, residente ng nasabing lugar.

Batay sa reklamo niya sa kapulisan, makawalong ulit na umano siyang nagtungo sa tanggapan ni Punong Barangay Floyd De Jose pero tumanggi umano itong maglagda sa clearance para sa koneksiyon sa Capelco.

Sinabi pa niya na umabot na sa Php15,000 ang kanyang nagastos para sa kanyang elektriko.

Nagback-out umano ang kanyang business partner dahil sa nasabing antala.

Sa panayam ng Radyo Todo sa Punong Barangay, pinakukompleto pa umano sa nagrereklamo ang kanyang mga kaukulang dokumento patunay na siya ay residente ng barangay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *