Connect with us

Aklan News

PASLIT, NAILIGTAS NG PULIS

Published

on

PHOTOS|©2nd Aklan PMFC

Boracay – Buong tapang at walang pag-aalinlangan na sinuong ng isang pulis ang malakas na agos ng dagat para mailigtas ang 2 taong gulang na bata na nahulog sa dagat mula sa bangin sa So. Diniwid, Balabag, alas 9 kaninang umaga.

Nakilala ang biktimang si Cleave Tristan Gabin.

Salaysay ng ina na si Paola Kristele Gabin, 30 anyos at residente ng nasabing lugar na habang siya ay naglalakad sa tabi ng bangin buhat-buhat ang kanyang anak ay aksidente umano siyang nadulas at nahulog sila sa dagat na ikinasugat niya sa ulo.

Hindi na nagdalawang isip na rumesponde sa lugar si Patrolman Steve Mardee Sabino ng 2nd Aklan PMFC matapos malaman ang pangyayari.

Pagdating sa pinangyarihan, nakita umano ng pulis na palutang-lutang na ang walang malay na bata at mabilis niya itong nilangoy at dinala sa tabing-dagat.

Nilapatan din ito mg paunang lunas at CPR ng isang nurse na andon sa lugar hanggang sa ito ay magkamalay. Agad ring dinala ang biktima sa Alert Medical Clinic (AMC) ng mga nag responding pulis ng Malay MPS para sa karampatang medikasyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *