Connect with us

Aklan News

ISA PATAY, ISA KRITIKAL MATAPOS MALUNOD

Published

on

Photo| Ann Basbaño Caballero/Tatak Boracay

Boracay Island – Dead-on-arrival sa ospital ang isang 50 anyos matapos malunod alas 2:50 Huwebes ng hapon sa Station. 2, Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktimang si Roberto Baisas, residente ng Sta. Cruz, Laguna na nagbabakasyon lamang sa isla.

Samantala, nakilala naman ang kritikal at kasalukuyang sa Don Ciriaco Memorial Hospital ngayon na si James Matthew Alfafara, 20 anyos at residente ng Carcar, Cebu na isa ring bakasyunista.

Sa imbestigasyon ng Boracay PNP, naliligo sa dagat si Alfafara ng bigla umano itong hinatak ng tubig dahil sa lakas ng agos ng makita umano ito ni Baisas ay agad niyang nirescue si Alfafara sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay nito para sana hilahin palapit sa dalampasigan subalit nagkahiwalay umano sila at pati siya ay nadala ng agos.

Tumulong na rin umano sa pag rescue ang mga nagpapa-paddle board sa mga biktima at naiahon ang mga ito.

Binigyan pa sila ng CPR bago dinala sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay si Baisas habang si Alfafara ay wala pang malay hanggang sa ngayon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *