Connect with us

Aklan News

BGRY. TANOD TINADTAD NG TAGA, PATAY

Published

on

Balete, Aklan – Patay ang isang brgy tanod matapos tadtarin ng taga ng kainuman alas 8:05 kagabi sa Brgy. Guanco, Balete.

Nakilala ang brgy tanod at biktimang si Ronnie Sarantin, 48 anyos, samantala ang suspek ay nakilala namang si Robert dela Cruz, 27 anyos na parehong residente ng nasabing brgy.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, galing sa inuman ang dalawa na pareho ng lasing at habang naglalakad pauwi ay naghahamunan ng away.

Agad umanong bumunot ng dalang itak ang suspek at gigil na pinagtataga ang biktima na ikinamatay nito.

Kusa naman umanong sumuko kay Brgy. Guanco Brgy. Capt. Joel Zonio ang suspek at kasama ang mga tanod dinala nila ito sa himpilan ng pulisya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *