Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA, SUMEMPLANG

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos maaksidente bandang alas 7:20 kagabi sa Sitio Libtong, Estancia, Kalibo.

Nakilaka ang biktima na si Sanny Samson Morales, 39 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagmomotorsiklo sa bahagi ng Mabulay Road ang biktima, angkas ang kasamang si Sherwin Zomil Gonzales, 32 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia nang aksidenteng tumumba sa kalsada.

Madulas umano ang kurbadang kalsada rason na nawalan ng kontrol sa manobela si Morales dagdag pa na lasing ito.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa katawan ang driver, habang hindi naman nasugatan ang kanyang angkas.

Kaagad naman silang dinala sa ospital ng mga rumespondeng taga PDRRMO.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *