Connect with us

Aklan News

Dahil sa Php1K bill, lola nahulog sa jeep sa Roxas City, patay

Published

on

Patay ang isang pasahero matapos mahulog mula sa jeep sa Roxas City kasunod ng tangkang pagsagip sa nilipad niyang Php1,000 bill.

Kinilala sa ulat ng Roxas City PNP ang biktima na si Oliva Guevarra, 63-anyos, residente ng Brgy. Sto. Niño, Dumalag, Capiz.

Kinilala ang driver ng jeep na si Norlito Devera, 38, residente ng Brgy. Tabuc Sur, Panit-an, Capiz.

Nabatid na binabaybay ng jeep ang kalsada mula Urban Manor hotel patungong terminal sa Pueblo de Panay nang maganap ang insidente Martes ng umaga.

Ayon sa mga pasahero na nakasaksi sa nangyari, dinudukot ng lola ang pera sa kanyang bag nang bigla itong pinalis ng hangin.

Sinubukan ng matanda na sagipin ang pera pero nahulog ito. Agad umanong inihinto ng driver ng jeep ang sasakyan pagkaalam sa nangyari.

Agad isunugod sa ospital ang biktima sa Capiz Doctors Hospital para gamotin pero binawian rin ito ng buhay pagsapit ng hapon ng parehong araw.

Dinala naman sa police station ang driver ng jeep para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *