Connect with us

Aklan News

DAHIL SA ASO, DALAWANG MOTORISTA, NAAKSIDENTE

Published

on

Kalibo – Dalawa ang sugatan matapos maaksidente sa motorsiklo bandang alas 12:20 kaninang madaling araw sa Sitio Libtong, Estancia, Kalibo.

Kinilala ng Kalibo PNP ang mga biktima na sina Marvin Bernabe Antonio, 30 anyos ng Pandan, Antique, at Henry De Juan Ling, menor de edad ng Oquendo, Balete.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagmomotorsiklo papuntang Poblacion, Kalibo ang dalawa subalit nakabangga umano sila ng aso rason na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho at bumangga naman sa steel barrier doon.

Dahil dito, pareho silang nagtamo ng sugat sa katawan at dinala sa ospital kung saan sila ginamot.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *