Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO AT TRAYSIKEL, NAAKSIDENTE DAHIL SA MALAKING BATO SA KALSADA

Published

on

Dahil sa malaking bato sa gitna ng kalsada, parehong naaksidente ang isang motorsiklo at traysikel pasado alas 3:00 Martes ng hapon sa Barangay Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga naaksidenteng driver na sina Ronald Rapiz Romaquin, 30 anyos ng Ugsod, Banga at Frederick Arubang Cipriano, 46 anyos ng Bulwang, Numancia.

Base sa report ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo si Romaquin galing Banga papuntang Kalibo nang mapansin umano nito ang malaking bato sa gitna ng kalsada.

Iiwasan umano sana nito ang bato, subali’t alanganin na ang kanyang distansya rason na sumemplang siya sa kalsada.

Samantala, nakita rin umano ng sumusunod sa kanya ang nagta-traysikel na si Cipriano, rason naman na bigla itong pumreno at aksidenteng bumaliktad.

Pasahero pa naman nito ang kanyang asawa at 11 buwang sanggol nang mangyari ang insidente.

Dahil dito, dinala at ginamot sa ospital si Cipriano matapos magtamo ng mga sugat sa katawan, habang hindi naman napaulat na nasugatan ang kanyang mag- ina, maging ang rider na si Romaquin.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *