Connect with us

Aklan News

LASING, TINAGA NG KAINUMANG BRGY TANOD

Published

on

Ibajay, Aklan – Sampung tama ng pananaga ang natamo ng isang lasing matapos magtagaan sila ng brgy tanod alas 10 kagabi sa So. Agbaliw, Brgy. San Jose, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Danny Belinario, 55 anyos, residente ng Brgy. San Jose, Ibajay.

Samantala, nakilala naman ang suspek na isang Brgy. Tanod na si Roger Tambong, 44 anyos at kababaryo rin ng biktima.

Ayon kay Police Corporal Ben Mark Tiel ng Ibajay PNP, magkasamang nag-iinuman kagabi ang biktima at ang suspek at dahil lasing na, sinita ng suspek ang biktima dahil sa naingayan ito.

Nagkainitan ang dalawa na humantong sa tagaan.

Mabilis namang dinala sa provincial hospital si Belinario habang kasalukuyang nakakulong sa Ibajay PNP station si Tambong.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *