Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK PATALIKOD NG DATING KAALITAN

Published

on

New Washington – Dating alitan ang tinitingnang motibo kung bakit patalikod na sinaksak ang isang lalaki dakong alas-11 kagabi sa Candelaria, New Washington.

Limang tama ng pananaksak gamit ang ice pick ang tinamo ng biktimang si Edison Rogando, 29 anyos, ng nasabing lugar mula sa suspek na si alyas “Ron-ron”.

Salaysay ng biktima, pauwi na siya mula sa isang kasiyahan kagabi ng bigla na lamang siyang sinaksak ng suspek sa kanyang likod.

Tiyempo naman na may nag papatrolya na mga pulis kaya’t nakahingi ng tulong ang biktima.

Mabilis na dinala ang biktima sa ospital habang kulong na ngayon ang suspek sa New Washington PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *