Connect with us

Aklan News

Lalaki nadaganan ng truck sa Sigma, Capiz patay

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos madaganan ng truck sa Sitio Anaba, Brgy. Matangcong, Sigma, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Rosito Dalmacio, 40-anyos, isang laborer, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Sigma PNP, sakay ng dump truck ang biktima na menamaneho ni Louie Barnal, 37, ng Dingle, Iloilo nang maganap ang aksidente.

Ang truck ay mula sa quarry area sa nasabing lugar. Laman ng truck ay lupa.

Tumagilid ang truck nang gumuguho ang kabilang bahagi ng kalsada na dinadaanan nito.

Sa takot ng biktima tumalon siya mula sa truck pero hindi niya inakala na sa kanya rin babagsak ang truck.

Agad isinugod sa Dao District Hospital sa Dao, Capiz ang biktima pero dineklara itong dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *