Aklan News
Dahil sa sugal, 2 lalaki pinagtataga sa Maayon, Capiz

Published
1 year agoon

Sugatan ang dalawang lalaki sa Sitio Silab, Brgy. Batabat, Maayon, Capiz matapos pagtatagain ng di pa nakikilalang lalaki dahil umano sa sugal.
Kinilala sa ulat ng Maayon PNP ang mga biktima na sina Roland Ondillo, 32-anyos, at Jason Cervas, 23, mga manggagawa at mga residente ng nasabing lugar.
Nabatid na nagtalo umano ang mga biktima at ang suspek dahil sa kanilang taya sa sugal sa isang lamay doon.
Inawat sila ng mga naroon dahilan para umalis ang suspek subalit sinundan ito ng mga biktima. Dito na pinagtataga ng suspek ang mga biktima sa iba-ibang bahagi ng katawan.
Matapos ang insidente agad umanong tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo sa di malamang direksyon.
Isinugod sa Bailan District Hospital si Ondillo habang sa Roxas Memorial Provincial Hospital naman si Cervas para sa kaukulang paggamot.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Maayon PNP para sa pagtukoy at ikadarakip ng suspek.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz