Connect with us

Aklan News

BANGGAAN NG TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO, ISA SUGATAN

Published

on

Numancia – Sugatan ang drayber ng motorsiklo matapos makabanggaan ang isang traysikel sa national hi-way ng Brgy. Tabangka, Numancia alas 10:15 kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na drayber ng motorsiklo na si Melvin Terre, 24 anyos at residente ng Brgy. Dumga, Makato na nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa katawan.

Nakilala naman ang drayber ng traysikel na si Danilo Villanueva, 67 anyos at residente ng Magdalena Village, Brgy. New Buswang, Kalibo.

Sa imbestigasyon ng Numancia PNP, bumabyahe ang biktima sakay ng motorsiklo galing sa Brgy. Dumga na papunta sana sa Kalibo subalit pagdating umano nito sa crossing Brgy.Tabangka biglang lumiko papasok ng Brgy. proper ang kasalubong na traysikel.

Hindi na umano niya naiwasan ito na naging dahilan ng kanilang banggaan.

Kasalukuyang nagpapagaling sa provincial hospital si Terre habang sa kustodiya naman ng Numancia PNP si Villanueva sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *