Connect with us

Aklan News

#1 MOST WANTED SA TAGUIG CITY PNP, ARESTADO SA KALIBO

Published

on

Arestado ang No. 1 most wanted person sa listahan ng Taguig City PNP pasado alas 5:00 kaninang hapon sa Magdalena Village, New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang akusadong si Orestes Naculanga Zubiaga, na nakilala rin bilang si ‘Ore Naig, at Orestes Naculanga Zubiaga’ ,53 anyos ng Calamcan, Libacao.

Isinilbi kay Zubiaga ang Warrant of Arrest na may criminal case number 143293-TG para sa kasong murder at criminal case number 143294-TG para naman sa frustrated murder na ibinaba ni Hon. Louis P. Acosta, Presiding Judge, NCR Taguig City Regional Trial Court, Branch 70 noon pang March 27, 2015.

Walang piyansa para sa kanyang kasong murder, habang P200,000.00 naman ang inirekomendang piyansa para sa kanyang kasong frustrated murder.

Ayon kay Zubiaga, nangyari ang insidente noon pang 2010 sa Taguig, kung saan napagbintangan lamang umano siya.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station, bago dinala ng mga taga Taguig City PNP upang iharap sa nasabing korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *