Connect with us

Aklan News

SASAKYANG NAKARNAP SA ILOILO, NAREKOBER SA KALIBO

Published

on

Kalibo – Narekober at nasa kustodiya ngayon ng Highway Patrol Group ang isang pick up na sinasabing kinarnap sa Passi, Iloilo nitong nakaraang November 1 matapos abandonahin sa bahagi ng Tigayon, Kalibo bandang alas 5:00 kaninang umaga.

Police Staff Sergeant Bartolome of Provincial Highway Patrol Team-Aklan

Nabatid mula mismo kay Police Staff Sergeant Rayniel I. Bartolome ng Provincial Highway Patrol Team-Aklan, papunta na sana siya kaninang umaga sa Iloilo nang makita niya ang nasabing sasakyan na nakaparada nang wala sa ayos sa harap ng opisina ng LTO o Land Transportation Office.

Kaagad niya umano itong binalikan upang beripikahin nang maalaalang may napaulat na nawawalang pick up sa Iloilo.

Sa pag-uusisa, natuklasan umano ni Bartolome na iyon nga ang sasakyan dahilan upang makipag-ugnayan siya sa Passi City Highway Patrol Group.

Naghanap din umano muna sila ng mekaniko para makabitan muna ng battery para mapaandar, dahil nakakabit naman doon ang susi.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin sina Bartolome kay Barangay Captain Gil Morandante ng Barangay Tigayon upang matingnan kung nakunan ng CCTV ang lugar kung saan iniwan at tinanggal ang baterya ng sasakyan bago inabandona.

Samantala, nabatid na nakarehistro kay Bibiana Palomo ang sasakyan at ibinibenta narin sana, subalit hindi na umano ibinalik matapos i-test drive.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *