Connect with us

Aklan News

BAHAY NINAKAWAN, P88K NA HALAGA NG ALAHAS NAKUHA

Published

on

Kalibo, Aklan – Umaabot sa P 88K na halaga ng alahas ang nakuha ng magnanakaw matapos looban nito ang isang bahay sa Brgy. Estancia, Kalibo kanina pasado ala-una ng madaling araw.

Ayon sa salaysay ng may-ari ng bahay at biktimang si Gemma Cuenco sa Kalibo PNP, nagising siya mga ala-una kaninang madaling araw matapos makarinig ng kaluskos na ang akala niya ay ang kanyang asawa.

Bumangon umano siya at tiningnan at doon na niya nakita ang magnanakaw subalit hindi niya umano ito namukhaan dahil sa bahagyang nasa likod umano ito ng liwanag ng ilaw.

Sumigaw umano siya ng tulong at doon na kumaripas ng takbo ang suspek.

Nasa pagitan ng 30-40 anyos umano ang edad nito at mga 5″6′ ang taas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan sa napag alaman na bukas na ang pinto ng music room sa loob ng bahay kung saan nakatago ang mga ninakaw na gold bracelet, 2 kuwintas, at 2 gold at white gold na singsing ng biktima.

Kasalukuyan pang iniimbistigahan ng mga pulis ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *