Connect with us

Aklan News

ANAK SINAKSAK ANG SARILI MATAPOS TANGKAING TAGAIN ANG INA

Published

on

Sa pag-aakalang napatay niya ang kanyang ina ay sinaksak ng isang lalaki ang kanyang sarili dakong alas-11 kagabi sa Brgy. Pampango, Libacao.

Kinilala ng imbestigador na si Police Staff Sergeant Donald Albarado ng Libacao PNP ang biktimang si Dandin Rebucan, 35 anyos ng Brgy. Pampango, Libacao.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang diskusyon sa loob ng bahay ng biktima kung saan tinangka nitong tagain ang kanyang sariling ina.

Inakala ni Rebucan na natamaan at napatay niya ang kanyang ina na nawalan ng malay kaya’t sinaksak nito ang kanyang sarili sa tiyan.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital ang biktima habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Nabatid na may nag-iinuman sa kanilang bahay kasama na ang biktima ng mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *