Connect with us

Aklan News

Magsasaka sugatan matapos barilin sa Mambusao, Capiz; suspek arestado

Published

on

Sugatan ang isang magsasaka sa Brgy. Caidquid, Mambusao, Capiz matapos barilin ng kainuman ng kanyang kapatid umaga ng Lunes.

Kinilala sa ulat ng Mambusao PNP ang biktima na si Abner Baal Laurilla, 32-anyos, habang ang suspek ay si Melchor Lañosa, nasa legal na edad, habal-habal driver, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nakipag-inuman ang suspek sa kapatid ng biktima na si Aiver Baal Laurilla sa isang tindahan.

Nang paalis na umano ang suspek ay nagalit ang kainuman at hinambalos ng bote ng beer ang suspek dahilan para barilin niya ang kainuman pero maswerteng hindi ito natamaan.

Sumaklulo umano ang biktima para awatin ang suspek at kapatid pero siya ang binaril ng suspek ng makalawang beses gamit ang 45 caliber pistol na tumama sa kanyang tiyan at sa kili-kili.

Naaresto ng kapulisan ang suspek sa manhunt operation. Posible itong maharap sa kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *