Connect with us

Aklan News

3 magkakapatid na pumatay sa kanilang kuya sa Maayon, Capiz naaresto na

Published

on

Nasa pangangalaga na ng Maayon PNP ang tatlong magkakapatid na mga suspek sa pagpatay sa kanilang kuya sa Brgy. Maalan, Maayon, Capiz Sabado ng gabi.

Kinilala sa ulat ng Maayon PNP ang biktima na si Roger Boluntad, 43-anyos, residente ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Piji, 35; Fernando, 29; at Gerald, 25, mga residente ng Brgy. Manayupit, Maayon.

Nabatid na sumuko sa Punong Barangay ng Manayupit ang mga suspek.

Matatandaan na batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan binanggaan ng mga suspek ang biktima habang sakay sa motorsiklo kasama ang asawa at tatlong mga anak.

Nagkaroon ng komprontasyon ang magkakapatid na nauwi sa pananga ng mga suspek sa biktima sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente habang isinugod naman sa Bailan District Hospital ang biktima pero dineklara itong dead on arrival.

Ayon sa kapulisan, away sa lupa ang motibo sa likod ng insidente.

Posibleng maharap sa kaukulang kaso ang tatlong suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *