Connect with us

Aklan News

DALAWA, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Kalibo, Aklan – Dalawa ang arestado sa ilegal na sabong bandang alas 11:30 kahapon ng tanghali sa C.Quimpo St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang mga naarestong sina Jovanie Laurente Mabasa, 40 anyos ng nasabing lugar, at Ciriaco Dela Cruz Khan, 43 anyos ng Camanci Norte, Numacia.

Ayon sa Kalibo PNP, naaresto ang dalawa matapos may nagsumbong sa mga pulis kaugnay ng iligal na aktibidad sa lugar na kaagad nilang nirespondihan.

Kaagad umanong tumakas ang mga sumasabong doon, subalit ang dalawa ang nahuli ng mga pulis at may narekober na isang manok na panabong.

Kaagad silang ikinustodiya sa Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasamoa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *