Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG ISANG BABAE, NATAGPUAN SA AKLAN RIVER

Published

on

Photo|©Jericho Fernandez/Malbert Dalida

Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa islang buhangin sa may Aklan river pasado alas 5:00 kaninang hapon sa Purok 5, Tinigaw, Kalibo.

Napag-alamang ilang grupo ng mga batang nanglalambat sa ilog ang nakakita sa bangkay doon na kaagad nilang ipinaalam sa mga nakakatanda.

Kaagad pinagtulungang kunin sa lugar ng mga pulis at ilang residente ang bangkay na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Paniwala ng mga residente sa lugar, posibleng inanod doon ang babae mula kung saan dahil walang nakakakilala sa kanya na mga taga Tinigaw.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *