Connect with us

Aklan News

Pick-up bumangga sa carwash shop, 2 motorsiklo sa Roxas City; isa sugatan

Published

on

Isang pick-up ang bumangga sa carwash shop at dalawang motorsiklo sa Brgy. Dayao, Roxas City kung saan isa ang sugatan.

Batay sa ulat ng kapulisan, kinilala ang driver ng pick-up na si George Billonid, 34-anyos, isang car wash boy, at residente ng Pilar, Capiz.

Binabaybay ng pick-up ang kalsada patungong City Proper nang pumutok ang gulong sa harap nito dahilan para mawalan ng kontrol ang driver.

Bumangga ang pick-up sa carwash shop at nabanggaan din ang dalawang motorsiklo.

Sugatan ang driver ng isang motorsiklo na kinilalang si John Mark Dela Cruz, 27, residente ng Brgy. Baybay, Roxas City. Agad siyang dinala sa ospital para malapatan ng kaukulang lunas.

Nangako naman ang driver ng pick-up na mananagot sa gastusin na naidulot ng aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *