Connect with us

Aklan News

KAPATID, TINAGA NI KUYA

Published

on

Madalag, Aklan – Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng kanyang kuya bandang ala 1:40 kahapon sa Talangban, Madalag.

Kinilala ng Madalag PNP ang biktimang si Luciano Lobrique Nadua, sa legal na edad at ang kanyang suspek na kuya na si Roman Nadua, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nilapitan umano ng biktima ang suspek at kinompronta na nauwi naman sa mainit na diskusyon.

Dito rin umano tinaga ng suspek ang kapatid gamit ang cane cutter o pangputol ng tubo.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kamay, kaliwang braso at kaliwang paa ang biktima na kaagad namang isinugod sa ospital.

Nagtamo rin ng mga pasa sa katawan ang suspek dahil pinagpapalo rin umano ito ng kapatid ng kahoy.

Kaagad din siyang naaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng Madalag PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *