Connect with us

Aklan News

Furniture helper kalaboso sa bayan ng Dao, Capiz sa kasong rape

Published

on

Arestado ang isang furniture helper sa bayan ng Dao, Capiz sa kasong rape.

Kinilala ang akusado na si Jose Catalan y Abad alyas “Dodoy”, 32-anyos, residente ng Brgy. Duyoc sa nasabing lugar.

Inaresto ng Dao PNP ang akusado madaling araw ng Biyernes sa bisa ng warrant of arrest.

Ibinaba ng Regional Trial Court sa Roxas City ang warrant of arrest laban sa akusado sa kasong rape nitong Oktobre 19.

Walang pyansa na itinakda ang korte sa kaso niyang rape.

Isinerbe rin sa akusado ang isa pang warrant of arrest sa kaso namang paglabag sa section 5 (b) Article III ng Republic Act 7610.

Php200,000 ang itinakdang pyansa sa kaso niyang ito.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Dao PNP ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *