Connect with us

Aklan News

BINATILYO, SINAKSAK NG TIYUHIN

Published

on

17 ANYOS NA BINATILYO, SINAKSAK NG SARILING TIYUHIN
By TBK: Jun Cabesilla

Kalibo, Aklan – Tatlong tama ng pananaksak ang tinamo ng isang binatilyo mula sa kanyang sariling tiyuhin kagabi sa Brgy. Pook, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Ruel Sarrandona, 17 anyos, ng Albasan, Numancia at ang suspek na kinilala lamang na “Russel”, residente ng Brgy. Pook, Kalibo.

Kwento ng biktima, pauwi na sana siya galing sa pagsasanay sa pagtugtog ng drums ng madaanan nito ang kanyang lasing na tiyuhin dakong alas-8 kagabi.

Nagkaroon sila ng mainit na diskusyon na nauwi sa pananaksak sa biktima gamit ang tari ng manok.

Tinamaan si Sarrandona sa tiyan, tagiliran at likod at kinakailangan itong maoperahan.

Dinala na ang biktima sa ospital habang ang suspek naman ay kulong ngayon sa Kalibo PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *