Connect with us

Aklan News

BAHAY NASUNOG DAHIL SA NAG APOY NA TELEBISYON

Published

on

Banga, Aklan – NATUPOK ang isang bahay matapos mag apoy ang telebisyon pasado alas 8 ngayong gabi sa Brgy. Tabayon, Banga, Aklan.

Ayon sa may ari ng bahay na si Jenly Revicencio, nanood ng TV ang kanyang limang anak ng bigla na lamang itong sumabog at lumiyab na agad namang kumapit sa kurtina.

Dali-dali niyang itinakbo palabas ng bahay ang kanyang mga anak ngunit wala na siyang nailigtas na kagamitan dahil madaling nilamon ng apoy ang kanyang bahay na gawa sa light materials.

Alas 8:42 ng idineklarang fire out ng mga bombero ang sunog na umabot sa 1st alarm.

Umabot sa 30,000 pesos ang danyos ng sunog sa pamilya Revicencio na nawalan ng matitirhan sa unang araw ng Nobyembre.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *