Connect with us

Aklan News

VP Robredo bumisita, namahagi ng gamot sa Roxas Provincial Hospital

Published

on

Dumalo si Vice President Leni Robredo sa pangatlong araw ng surgical mission ng #AngatBuhay partner World Surgical Foundation sa Roxas Memorial Provincial Hospital sa Roxas City.

Sa kaniyang pagbisita, nag-turnover rin ng mga gamot na gagamitin ng mga pasyente para sa kanilang recovery pagkatapos ng kanilang operasyon.

Para kay VP Leni, napakaimportante ng mga surgical mission tulad nito dahil ito ang lubos na kailangan ng mga kababayan nating nasa malalayo at mahihirap na mga komunidad.

Aniya, pagkakataon itong makapagpagamot sila na hindi kailangang gumastos nang malaki at bumiyahe nang matagal.

Matatandaan na una nang namahagi ng tulong sa mga magsasaka sa Panit-an, Capiz ang pangalawang pangulo. (via OVP)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *