Connect with us

Aklan News

2 TAONG GULANG NA BATA, INABUSO NG LENDING COLLECTOR

Published

on

Kalibo, Aklan – Kalaboso ang inabot ng 30 anyos na lending collector matapos ireklamo ng pang-aabuso sekswal sa isang batang 2 taong gulang na bata.

Sa mga nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, nabatid na ka boardmate ng nagreklamong mga magulang ang suspek na taga Dipolog City, Zamboanga.

Nabatid na nitong October 29 nangyari ang sinasabing pang-aabuso sa bata kung saan nabatid na hawak ng suspek ang bata dahil madalas naman niya umano itong ginagawa.

Base pa sa impormasyon, nanghina ang bata at may nakitang pasa malapit sa kanyang hita at may sugat sa pinakamaselang parte ng katawan nito, dahilan na pinatingnan ito sa ospital.

Base pa sa impormasyon, ipinasok ng suspek ang kanyang daliri sa maselang parte ng katawan ng biktima na ikinasugat nito.

Kaagad umanong nagsumbong sa mga pulis ang mga magulang ng biktima na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Kaugnay pa nito, pormal nang sinampahan ng kasong sexual assault ang suspek na tumanggi nang magbigay ng pahayag.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *