Connect with us

Aklan News

Top 1 most wanted person ng Dao, Capiz arestado sa Palawan

Published

on

Arestado ang Top 1 Most Wanted Person ng Dao, Capiz sa Palawan sa kasong murder at frustrated murder Martes ng gabi.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang akusado na si Reynaldo Tanong y Ebron, 57-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Ilas Norte, Dao, Capiz.

Hinuli ng kapulisan ang akusado sa Brgy. Calasaguen, Brooke’s Point Palawan sa bisa ng warrant of arrest.

Walang pyansa na itinakda ang korte sa kanya sa kasong murder habang Php200,000 naman sa kasong frustrated murder.

Ikinasa ng Dao PNP at Intillegence Branch ng Capiz PNP ang pag-aresto sa akusado kasama ang iba pang unit ng kapulisan sa Palawan.

Nakatakdang dalhin sa Capiz ang akusado para harapin ang kanyang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *