Connect with us

Aklan News

LALAKING NATALO SA SUGAL, NANAKSAK NG KALABAN

Published

on

Sugatan ang isang lalaki nang saksakin ito ng kanyang tinalo sa sugal sa isang lamay kagabi sa Brgy. San Roque, Malinao.

Kinilala ang biktimang si Rafael Isanan, 37 anyos at ang suspek na si Allen Sapico, 37 anyos, kapwa mga residente ng lugar.

Nangyari ang insidente dakong alas-11:30 kagabi habang naglalaro sila ng pusoy.

Base sa imbestigasyon, natalo umano ng biktima ang suspek sa kanilang pagsusugal kaya’t napikon ito at hinamon ng away ang biktima.

Hindi naman ito pinatulan ng biktima kaya’t umalis nalang ang suspek subalit bumalik ito na may dalang kutsilyo at saka sinaksak ang biktima.

Tumama ang kutsilyo sa kaliwang kamay ni Isanan at nagtamo ito ng daplis sa kanyang tagiliran.

Naaresto naman ang suspek at kasalukuyan ng nakakulong sa Malinao PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *