Connect with us

Aklan News

Tanker truck bumaliktad sa Jamindan, Capiz; 2 sugatan

Published

on

Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang driver at isang pahenante nito matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang tanker truck sa Brgy. Lucero, Jamindan, Capiz.

Naganap ang insidente Linggo ng gabi habang binabaybay ng truck ang paakyat na bahagi ng kalsada.

Kinilala ang driver na si Ryan Gevero y Glumalid, 32-anyos, habang ang pahenante nito ay si Juvy Mendoza, 19. Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang dalawa.

Nabatid na mula sa bayan ng Tapaz ang mga ito at patungo sanang Aklan.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng sasakyan dahilan para matumba ang truck at mahulog sa kanal.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *