Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORISTA, SUGATAN SA AKSIDENTE

Published

on

Kalibo, Aklan – Dalawang motorista ang sugatan sa aksidente alas 10:00 pasado kagabi sa kanto ng Archbishop St., at Acevedo St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Reynaldo Esto Reyes Jr., 29 anyos ng Purok 4 C.Laserna at Arnold Narciso Isuga, 33 anyos ng Tambuan, Malinao.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo galing sa Mabini St. papuntang C.Laserna si Reyes nang aksidenteng makabanggaan ang nasa impluwensiya ng alak umanong si Isuga na nagmomotorsiklo rin galing sa M.Laserna papuntang Roxas Ave., Poblacion, Kalibo.

Resulta, parehong tumumba sa kalsada ang dalawa at nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan.

Kaagad din silang ginamot ng mga rumespondeng taga MDRRMO, subalit tumanggi na umano ang mga itong magpa confine sa ospital.

Kinalaunan, nagkasundo ang dalawa sa estasyon ng Kalibo PNP na pagtutulungan ang pagpapaayos sa napinsalang bahagi ng motorsiklo ni Reyes.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *