Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG BABAE, NATAGPUAN SA LOOB NG SARILING BAHAY

Published

on

Batan, Aklan – Dahil sa masangsang na amoy, natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Centro, Brgy. Magpag-ong, Batan.

Kinilala ang 40 anyos na biktimang si Marivic Salgado, taga Mindoro at halos tatlong buwan pa lamang na naninirahan sa nabanggit na lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo sa mismong nakakita sa bangkay na si Richard Barrios, nagtaka umano ito kung saan nagmumula ang masangsang na amoy sa lugar.

Hinanap niya kung saan ito nagmumula at nadiskubre ang patay na katawan ng babae.

Kaagad naman nilang ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang insidente.

Ayon naman kay Ramy Prado na pinsan ng kalive-in partner ng biktima, nag-iisa na lamang itong nakatira sa naturang bahay dahil nagtatrabaho ang kanyang kinakasama sa Maynila.

Dagdag pa ni Prado, kamakailan lang ay nakunan ang biktima at kinailangan itong i-raspa.

Dinala na ang bangkay sa isang punerarya sa bayan ng Batan at ipinag-bigay alam na rin sa kanyang kinakasama ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *