Connect with us

Aklan News

Tumataas na kaso ng HIV sa Roxas City ikinabahala ng City Council

Published

on

Nababahala ngayon ang City Council ng Roxas sa tumataas na bilang ng Human Immuno Deficiency Virus (HIV) sa lungsod.

Sa kanyang ulat sa regular session ng Konseho pinahayag ni Dr. Lory Cahilog, City Health Officer, na ang lungsod ay mayroon nang 12 naitalang kaso ng HIV positive sa taong ito.

Batay aniya sa kanilang tala, mula 1986 hanggang sa taong ito ang buong lalawigan ay nakapagtala na ng 241 kaso kung saan 92 dito ay sa kabiserang lungsod.

Noong 2017, ayon sa health officer, ang Roxas City ay may 5 kaso ng HIV kumpara sa 10 sa buong lalawigan. Habang noong 2018 ay may 12 kaso kumpara sa 37 sa buong probinsiya.

Puna ni Dr. Cahilog na karamihan sa mga biktima ng HIV ay mga kalalakihan. Nakukuha umano nila ang sakit na ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Nais ng mga miyembro sa Konseho na maalis ang stigma sa taumbayan at palawakin ang edukasyon sa taumbayan tungkol sa nasabing sakit.

Sinabi ni Cahilog na ang City Health Office ay mayroong antiretroviral drug (ARV) o gamot para sa mga pasyente ng HIV. Pinasiguro rin na pinapanatili nilang kompedensiyal ang pagkakakilalan ng mga pasyente.

Samantala, pinag-usapan rin sa konseho ang posibleng pag-inspeksyon sa mga bars sa Roxas City kung may mga kaukulang permit ang mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *