Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK SA DIBDIB PATAY

Published

on

Makikita sa larawan ang suspek na si Roy Tambong.

Makato, Aklan – Patay ang isang lalaki nang masaksak kaninang alas-12:25 ng hatinggabi sa Brgy. Calangcang, Makato.

Kinilala ng Makato PNP ang biktima na si Ronil Cordon Tirol, 22 anyos, ng Brgy. Calangcang.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Roy Narciso Tambong, 33 anyos ng Sitio Pangawasan, Cayangwan, Makato kay Police Officer Juan Dela Cruz.

Ayon kay Police Corporal Ruel Montoya ng Makato PNP, walang malinaw na motibo ang suspek sa pananaksak sa biktima.

Lumapit lang di umano ang lasing na suspek sa biktimang nasa labas ng sayawan at bigla itong sinaksak sa dibdib.

Hinabol pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Nakakulong naman ngayon sa istayon ng Makato PNP ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *