Connect with us

Aklan News

KALABAW NA NAWAWALA, NATAGPUAN NA

Published

on

Numancia Aklan-Lubos ang pasasalamat ng may ari ng kalabaw na si Ramon Suante ng Dongon East Numancia na naibalik na ito sa kanya kaninang umaga ng naka kita na si Teleforo Imbud ng Sta Cruz Bigaa Lezo.

Ayon sa may ari ng kalabaw nawawala pa ito noon pang Oct.12 ng madaling araw.

Ilaw araw din ang kanilang paghahanap ngunit nawalan na sila ng pag asa dahil ilan ding Brgy. ang kanilang pinuntahan ngunit walang maka pagsasabi na nakita ang nasabing Kalabaw.

Matapos ang dalawang linggo natunton din ang naka kita ng Kalabaw at agad itong pinuntahan ng may ari.

Ayon sa naka kita Oct.13 din ng madaling araw nila ito nakita sa may kalsada ng nasabing lugar na naglalakad.

Dahil dito kanila itong itinali sa kanilang may palayan at inalagaan dahil hindi rin nila alam ang may ari at agad din nila itong ipina blotter sa Brgy.

Napag-alaman na buntis ang nasabing Kalabaw.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *