Connect with us

Aklan News

2 MOTORISTA, NAAKSIDENTE SA MOTOR

Published

on

Numancia – Dalawang rider ang isinugod sa ospital matapos maaksidente sa motorsiklo bandang alas 7:50 kagabi sa Dongon West, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Josebel Legaspi, 19 anyos ng Ibao, Lezo at Cyrus Jared Ortega Prado, 26 anyos ng Dumga, Makato.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, parehong nagmomotorsiklo patungong Makato ang dalawa nang may mag-overtake umanong motorsiklo kay Prado.

Nagulat umano si Prado rason na kumabig ito pakanan at aksidenteng nasagi ang dalagang rider.

Resulta, pareho silang sumemplang sa kalsada at nagtamo ng sugat sa katawan.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Numancia PNP Station ang kani-kanilang motorsiklo para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *