Connect with us

Aklan News

DALAWANG MOTORSIKLO, NAGSALPUKAN, RIDER SUGATAN

Published

on

Kalibo, Aklan- Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa isa pang motorsiklo alas 9:30 kagabi sa Jaime Cardinal Sin Avenue, Pook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Romeo Popes Aguelo, 29 anyos ng Puis, New Washington, habang hindi na nakilala ang driver ng nakabanggaan nitong motorsiklo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa direksyon ng New Washington ang nagmomotorsiklong si Aguelo papuntang Poblacion, Kalibo nang karerahan umano ito ng hindi nakilalang rider.

Subali’t bigla na lamang umano itong lumiko pakaliwa sa feeder road papuntang Estancia, rason na nabangga ng biktima.

Pareho silang sumemplang sa kalsada, subali’t dali-dali umanong tumakas ang kanyang nakabanggaan.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima kung saan siya naka confine ngayon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *